Connect with us!

BINI nalampasan si Taylor Swift sa Spotify Philippines Top Artists chart

BINI nalampasan si Taylor Swift sa Spotify Philippines Top Artists chart

First time ever!

Nahigitan ng P-Pop sensation na BINI ang Worldwide award-winning singer na si Taylor Swift sa music streaming platform na Spotify sa Philippines’ Top Artists ngayon.

Nasungkit ng BINI ang number one spot ng Philippines Top Artists Chart na hawak ni Taylor Swift sa loob ng dalawang taon.

Proud na ibinahagi ng Star Music Philippines ang bagong milestone ng grupo sa social media.

“NUMBER ONE NA ANG NAG-IISANG NATION’S GIRL GROUP!” pahayag nila.

Ayon sa Spotify chart, naka 1,030,958 streams ang kanta ng BINI na “Salamin, Salamin” sa loob lamang ng 97 days at 958,250 streams naman ang “Pantropiko” sa loob ng 127 days.

Habang may 208,974 streams naman ang “Cruel Summer” ni Taylor Swift sa loob ng 941 days.

Bago ito, nakapag tala rin ng bagong history record ang BINI kung saan umabot na ng mahigit 6 million ang kanilang monthly listeners.

Ang iba pang pasok sa top chart na ito ay sina Hev Abi, Ariana Grande, Sabrina Carpenters, Maki, TJ Monterde, Sza, Al James at Billie Eilish.

Photo: BINI Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *