Connect with us!

Palawan, dineklarang banned sina Rendon Labador at Rosmar Tan

Palawan, dineklarang banned sina Rendon Labador at Rosmar Tan

Bagaman nag-public apology na ang mga vlogger na sina Rosmar Tan and Rendon Labador kasunod ng kontrobersiya na kanilang kinasangkutan dahil sa pamamahiya ng staff sa Coron Municipal office, tuluyan nang ipinaban ng Coron ang dalawang vlogger sa lugar kahapon, June 18.

Dineklarang persona-non-grata sina Tan at Labador sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa ni Board Member Juan Antonio Alvarez.

Sa kanyang speech, kinondena ni Alvarez ang dahil sa hindi Magandang pag-uugali habang nasa Coron na aniya’y hindi katanggap-tanggap.

“Hindi porke tumutulong sila ay may karapatan sila na manduro, mambastos, at i-disrespect yung institusyon ng Coron,” pahayag ni Alvarez.

“Because of that, napagkasunduan ng buong Sangguniang Panlalawigan na i-declare sila as persona non grata not just in Coron but in the entire province of Palawan dahil siyempre kung kaya nilang gawin sa Coron yun, anong makakapigil sa kanila para gawin din sa ibang munisipyo,” dagdag pa niya.

Para naman sa Boad Member na si Roseller Pineda, panahon na rin para bigyan ng regulasyon ang mga bumibisitang content creator sa kanilang lugar dahil marami na aniya ang mga nagiging “entitled” na may halos parehong insidentent sa mga nakaraang vlogging events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *