Connect with us!

Pia Wurtzbach at glam team, na-trap sa elevator

Pia Wurtzbach at glam team, na-trap sa elevator

by Athena Yap

Muntik na’ng hindi umabot sa fashion event ang beauty queen na si Pia Wurtzbach matapos na biglang humarap sa pagsubok kasama ang kanyang kapatid at glam artist na si Jeka.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Pia ang clip na hindi nila inaasahang ma-trap sa isang elevator sa Paris.

“No way! This has never happened to me before,” sabi ni Pia.

Sa nasabing video, kita na bahagyang natakot si Pia at kapatid na si Sarah dahil ayaw din gumana ng kanilang key card at kahit pindutin ang alarm button ay walang nangyayari.

“I’m gonna start sweat in magic” sabi naman ni Sarah.

Lalong kinabahan ang magkapatid nang mahirapan silang makatawag dahil walang signal sa loob ng elevator at na-disconnect sila sa WiFi.

Ayon sa video, matapos ang 10 to 15 minutes na paghihintay ay doon sila na-rescue ng otoridad ng hotel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *