Connect with us!

SB19 naimbitahan sa Japanese show na “The First Take”

SB19 naimbitahan sa Japanese show na “The First Take”

by Athena Yap

International feature ang sumalubong na oportunidad para sa P-Pop sensation na SB19 sa unang araw ng Hulyo matapos na maging kauna-unahanag Pinoy group na natampok sa sikat na Japanese show na “The First Take”.

Ipinalabas na kahapon ang first-ever exposure ng nasabing grupo sa “The First Take” kung saan kinanta nila ang kanilang hit song na “Gento”.

Ang “The First Take” ay isang YouTube show na nakatuon sa pagpapamalas ng mga musikero at mang-aawit na magtanghal sa pamamagitan ng isang take.

Umabot na ang views nito ngayon sa mahigit kalahating milyon at umani rin ng marami papuri ang performance ng nasabing grupo mula sa international viewers nito.

Photo: YouTube | The First Take

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *