Connect with us!

All the latest news

Pia Wurtzbach at glam team, na-trap sa elevator

by Athena Yap Muntik na’ng hindi umabot sa fashion event ang beauty queen na si Pia Wurtzbach matapos na biglang humarap sa pagsubok kasama ang kanyang kapatid at glam artist na si Jeka. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Pia ang clip na hindi nila inaasahang ma-trap sa isang elevator sa Paris. “No way! This has never happened to me before,” sabi ni Pia. Sa nasabing video, kita na bahagyang natakot si Pia at kapatid na si Sarah dahil ayaw din gumana ng kanilang key card at kahit pindutin ang alarm button ay walang nangyayari. “I’m gonna start sweat in magic” sabi naman ni Sarah. Lalong kinabahan ang magkapatid nang mahirapan silang makatawag dahil walang signal sa loob ng elevator at na-disconnect sila sa WiFi. Ayon sa video, matapos ang 10 to 15 minutes na paghihintay ay doon sila na-rescue ng otoridad ng hotel.

Read More »

EDDYS: LIST OF PREVIOUS WINNERS

by Athena Yap Ilang araw na lang bago ang kaabang-abang na EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) Awarding Ceremony, patuloy ang paghahanda ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) para alamin kung sino-sino ang pararangalan na mga renowned actors and actresses ng generation ngayon. Itinuturing na isang game changer sa larangan ng Philippine entertainment, ang EDDYS, na nagsimula noong 2017, na itinatag bilang isang mahalagang awarding ceremony sa industriya. Sa kabila ng pagiging bago nito sa mundo ng mga award giving-bodies, mabilis itong nakakuha ng recognition para sa pagkilala ng talento ng mga aktor, manunulat, director at iba pa.  Binubuo ito ng mga entertainment editors mula sa mga nangungunang pahayagan at tabloids sa buong bansa. Ang SPEEd ay isa sa mahahalagang organisasyon sa pagkilala ng entertainment journalism sa Pilipinas. Narito ang ilan sa mga nagwagi ng awards sa mga nakaraang edisyon ng EDDYS: 2017 | 1ST EDDYS AWARDS 2018 | 2ND EDDYS AWARDS

Read More »

SB19 naimbitahan sa Japanese show na “The First Take”

by Athena Yap International feature ang sumalubong na oportunidad para sa P-Pop sensation na SB19 sa unang araw ng Hulyo matapos na maging kauna-unahanag Pinoy group na natampok sa sikat na Japanese show na “The First Take”. Ipinalabas na kahapon ang first-ever exposure ng nasabing grupo sa “The First Take” kung saan kinanta nila ang kanilang hit song na “Gento”. Ang “The First Take” ay isang YouTube show na nakatuon sa pagpapamalas ng mga musikero at mang-aawit na magtanghal sa pamamagitan ng isang take. Umabot na ang views nito ngayon sa mahigit kalahating milyon at umani rin ng marami papuri ang performance ng nasabing grupo mula sa international viewers nito. Photo: YouTube | The First Take

Read More »