Connect with us!

Author Archives: Jhon Fernando Laron

MADLAANNG PIPOOOLL! Nagsimula nang umere sa ALLTV ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime!” simula nitong Lunes, June 17 tuwing 12nn hanggang 2:30pm, Lunes hanggang Sabado. Extended sa ALLTV ang saya dahil mapapanood na ang mga segment na EXpecially For You, Showing Bulilit at Tawag ng Tanghalan: The School Showdown ng mga ALLTV viewers. Kaya mas dadami pa ang mapapasaya ng mga host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hillario, Kim Chiu, Ryan Bang, Darren Espanto, Cianne Dominguez, Ion Perez, MC at Lassy dahil sa collaboration ng ALLTV at ABSCBN.

First time ever! Nahigitan ng P-Pop sensation na BINI ang Worldwide award-winning singer na si Taylor Swift sa music streaming platform na Spotify sa Philippines’ Top Artists ngayon. Nasungkit ng BINI ang number one spot ng Philippines Top Artists Chart na hawak ni Taylor Swift sa loob ng dalawang taon. Proud na ibinahagi ng Star Music Philippines ang bagong milestone ng grupo sa social media. “NUMBER ONE NA ANG NAG-IISANG NATION’S GIRL GROUP!” pahayag nila. Ayon sa Spotify chart, naka 1,030,958 streams ang kanta ng BINI na “Salamin, Salamin” sa loob lamang ng 97 days at 958,250 streams naman ang “Pantropiko” sa loob ng 127 days. Habang may 208,974 streams naman ang “Cruel Summer” ni Taylor Swift sa loob ng 941 days. Bago ito, nakapag tala rin ng bagong history record ang BINI kung saan umabot na ng mahigit 6 million ang kanilang monthly listeners. Ang iba pang pasok sa…

Read more

Bagaman nag-public apology na ang mga vlogger na sina Rosmar Tan and Rendon Labador kasunod ng kontrobersiya na kanilang kinasangkutan dahil sa pamamahiya ng staff sa Coron Municipal office, tuluyan nang ipinaban ng Coron ang dalawang vlogger sa lugar kahapon, June 18. Dineklarang persona-non-grata sina Tan at Labador sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa ni Board Member Juan Antonio Alvarez. Sa kanyang speech, kinondena ni Alvarez ang dahil sa hindi Magandang pag-uugali habang nasa Coron na aniya’y hindi katanggap-tanggap. “Hindi porke tumutulong sila ay may karapatan sila na manduro, mambastos, at i-disrespect yung institusyon ng Coron,” pahayag ni Alvarez. “Because of that, napagkasunduan ng buong Sangguniang Panlalawigan na i-declare sila as persona non grata not just in Coron but in the entire province of Palawan dahil siyempre kung kaya nilang gawin sa Coron yun, anong makakapigil sa kanila para gawin din sa ibang munisipyo,” dagdag pa niya. Para naman sa…

Read more

MOMENT. FOR. STEL! Umani ng papuri ang singer na si Stell Arejo na isa sa mga miyembro ng SB19 matapos ang kanyang performance sa katatapos lang na “Hitman” show ni David Foster kahapon, June 18 sa Quezon City. Si Stell ang tumayo bilang front act sa nasabing show kung saan kinanta niya ang “All I Ask” ni Adele, “Room” na kanyang debut single, “Defying Gravity” mula sa musical na “Wicked”. Pero umulan ng palakpak at standing ovation sa kanyang performance nang kantahin niya ang “All by Myself” ni Celine Dion, kung saan maging ang composer-producer na si David Foster ay napahanga dahilan, para tawagin ang kanyang pansin sa backstage at saluduhan sa kanyang rendition. “This song by Celine [Dion], she claimed really a lot about this very high note, this impossible note to sing, and she hated me. In her book, she [wrote] two pages of how much she hated…

Read more

4/4